Lolo nagkumpuni ng bubong, nahulog, lasog
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lolong biyudo matapos aksidenteng mahulog at mabasag ang bungo habang nagkukumpuni ng bubong ng kanilang bahay na sinira ng bagyong Pedring kamakalawa sa Valenzuela City.
Dead-on-arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Juanito Cordita, 69, residente ng Dulong Tangke, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.
Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:00 makaraang umakyat ang biktima sa bubong ng bahay upang ayusin ang nasira ng bagyong Pedring nang aksidente itong madulas at mahulog dahilan ng kamatayan nito.
- Latest
- Trending