^

Metro

'Planking' ng mga estudyante nagdulot ng trapik sa SLEX

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Naasar ang daang-daang motorista dahil sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos magsagawa ng planking ang mga militanteng grupo sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) upang tutulan ang implementasyon ng 12% ng value added tax (VAT) sa toll fee na ipinatupad kahapon sa Parañaque City.

Walang nagawa ang mga pulis nang humiga sa gitna ng toll gate ng Bicutan Exit, ng nabanggit na siyudad ang may 15 estudyanteng kasapi sa Anakbayan. Matinding trapik ang naranasan sa SLEX dahil sa per­wis­yong ginawa ng mga nagpoprotesta dakong alas-11:00 ng umaga.

Iginigiit ng mga nagpo­pro­testa, na hindi aniya maka­tarungan ang pagpataw ng 12% VAT sa toll ways dahil pagpapahirap ito sa mga motorista.

Nabatid na implementasyon sa dagdag na 12% VAT sa tollway ay sinimulan na kahapon.

Nauna nang sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Ja­cinto-Henares, na wala nang legal na balakid para hindi ituloy ang toll hike maliban kung magpapalabas ng panibagong Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court.

ANAKBAYAN

BICUTAN EXIT

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM JA

HENARES

IGINIGIIT

MATINDING

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SUPREME COURT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with