^

Metro

Sapatero na-sandwich ng jeep at taxi, lasog

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang isang 33-anyos na sapatero nang ma-sandwich ng  dalawang sasakyan matapos mawalan ng preno ang nakabanggang pampasaherong jeep sa kanya sa panulukan ng Kamuning at Edsa, Quezon City  kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si  Marlon Gazingan,  sapatero at residente ng Waling-waling St., Roxas District, Quezon City na nasawi bunga ng matinding pagkalasog ng katawan sa pagkaka­ipit ng dalawang sasakyan.

Arestado naman ang nakabanggang driver na sina Michael  Castro, 33, tubong Pangasinan at residente ng Proj. 3, Quezon City at driver ng jeep (TXB-230) na may biyaheng Welcome Rotunda, Proj. 2-3.    

Batay sa ulat, nangyari ang insidente  pasado alas-8:45 kahapon ng umaga sa panulukan ng Kamuning St., at EDSA , Brgy. Kamuning, QC.

Lumitaw sa pagsisiyasat na naka-stop ang signal light nang itawid pa rin ni Castro ang kanyang jeep sa may EDSA Kamuning at nabangga ang nakabisikletang biktima na sumalpok din sa likod ng isang taxi kung saan na-sandwich ito ng dalawang sasakyan.

Ayon naman sa taxi driver na si Omar de la Cruz, 38, ng Kasing-kasing St. , Kamias Road, nakahinto siya ng mga sandaling iyon nang makaramdam siya ng malakas na kalabog sa likuran ng kanyang taxi kung saan doon pala naitulak ang biktima at naipit ng masalpok ng jeep. Nahaharap ngayon ang arestadong suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

KAMIAS ROAD

KAMUNING

KAMUNING ST.

MARLON GAZINGAN

PROJ

QUEZON CITY

ROXAS DISTRICT

WELCOME ROTUNDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with