^

Metro

'Commando gang' member kinuyog, utas sa mga armado

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na pinaniniwalaang miyembro ng ‘Commando gang’ ang napatay ng isang grupo ng kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet at armado ng patalim at baril sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Aljoven Canalete, residente ng Sgt. Mabagos St.,Tondo, Maynila ay sinasabing kinuyog ng limang kalalakihan na mabilis ding nagsitakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang biglang naglutangan ang grupo ng mga suspect at isa sa kanila ang ilang beses na sumaksak sa biktima, habang nakikipagkuwentuhan ito sa mga kaibigan sa kalye Mabagos.

Kahit may mga saksak sa katawan, nagtatakbo ito papasok sa isang bahay subalit nagsipasok din doon ang mga suspect at nakorner ang una sa isang maliit na kuwarto kung saan ito pinagbabaril.

Sinabi naman ng isang Darly Noviza, may-ari ng bahay na natutulog siya noon sa sala nang magulat sa pagpasok ng biktima at dumiretso sa isang kuwarto.

Lumabas siya ng bahay at habang nasa labas ay narinig niya ang dalawang magkasunod na putok ng baril.

Isang kalibre .45 pistola ang narekober ng mga pulis sa gate ng nasabing bahay at ilang basyong bala.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkilanlan ng mga suspect.

vuukle comment

ALJOVEN CANALETE

BLANGKO

DARLY

ISANG

KAHIT

LUMABAS

MABAGOS

MABAGOS ST.

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with