^

Metro

Mag-lola nilooban, sinaksak ng boarder na magkasintahan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 69-anyos na lola at ang 14-anyos nitong apo ang iniulat na nasugatan, makaraang pagsasaksakin ng umano’y magkasintahang nagkunwaring boarder nila sa isang insidente ng panloloob   sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ginagamot ngayon sa Quezon City General Hos­pital ang mag-lolang sina Lucia Layno at Joshua Layno sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Gayunman, halagang P1,100 lamang umano ang natangay ng mga suspect sa mga biktima.

Nangyari ang insidente sa boarding house at tahanan ng mag-lola sa Ilocos St., Brgy. Ramon Magsaysay sa lungsod.

Bago ito, September 27 nang magpunta umano ang mga suspect at nagkunwa­ring magbo-board dito. Su­balit walang ibinigay na down­payment ang mga suspect sa matandang biktima sa pangakong ibibigay na lang ang upa sa September 29 kung saan napapayag naman ang matanda.

Subalit, ganap na alas-3 ng madaling-araw, habang nasa kasarapan ng pagtulog ang mga biktima sa kanilang kuwarto ay pinasok sila ng mga suspect kung saan isinagawa ang panloloob at pananaksak sa mag-lola saka nagsitakas. Target sila ngayon ng operas­yon ng pulisya.

vuukle comment

BRGY

GAYUNMAN

GINAGAMOT

ILOCOS ST.

ISANG

LAYNO

LUCIA LAYNO

QUEZON CITY GENERAL HOS

RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with