^

Metro

Koreano utas sa ambush

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang mayamang negos­yanteng Korean national ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in tandem habang ang biktima ay sakay ng kanyang Ford Expedition sa San Juan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sr/Supt. Rainier Espina, hepe ng San Juan City Police ang biktima na si Hyung Hur, 59, naninirahan sa D-LPL Condominium, Eisenhower St., Brgy. Greenhills, ng nasabing lungsod.

Ayon sa driver ng biktima na si Mark Anthony Casyuran, 30, minamaneho niya ang kulay itim na Ford Expedition na (HUR-33) at patungo sila sa UCC coffee shop nang maganap ang krimen.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:20 ng umaga habang tinatahak ng Ford Expedition ang Connecticut St., sa kanto ng Ortigas Avenue nang biglang sabayan umano ng mga suspek sakay ng isang kulay pulang Honda XRM na walang plaka.

Sinasabing nakasakay ang biktima sa unahan sa kanang bahagi ng sasakyan nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa kalibre .45 baril sa kanang bahagi ng kanyang ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang driver na si Casayuran na nagtamo lamang ng mga sugat sa kanyang braso mula sa bubog ng mga na­basag na salamin na tumalsik sa kanya.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang pagsi­siyasat ang pulisya para matukoy ang mga salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

Kabilang sa anggulo na tinututukan ngayon ng pulisya ay ‘business rivalry’ dahil sa pagiging involved ng biktima sa mining in­dustry sa bansa.

AYON

CONNECTICUT ST.

EISENHOWER ST.

FORD EXPEDITION

HYUNG HUR

MARK ANTHONY CASYURAN

ORTIGAS AVENUE

RAINIER ESPINA

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with