^

Metro

Jobless nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ipinasya ng isang jobless na lalaki na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Patay na nang matagpuan si Anthony Baldovino, 29, ng kanyang nakababatang kapatid na si Apple, 25, habang nakabigti sa comfort room ng kanilang bahay sa Narra St., Brgy. Balingasa, Quezon City ganap na alas-4:30 ng umaga.

Ayon sa report, ang nasawi at ang kanyang kapatid na si Apple ang tumutuloy sa nasabing bahay at ang nagbabayad ng upa ay ang kanilang kuya na nakatira sa Sampaloc, Manila. Ang kanilang mga magulang ay kasalukuyang naninirahan naman­ sa Baguio City.

Sinabi ni Apple sa pulisya na maaaring ang nagtulak sa kapatid na magpakamatay ay ang madalas na pagsabihan ito ng kanilang kuya dahil sa walang trabaho.

Bago madiskubre ang bangkay, ayon kay Apple, nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima matapos na pagsabihan siya nito dahil sa pagtulog sa bahay ng kaibigan. Sa naturang pagtatalo ay nasaktan umano ng biktima si Apple.

Gayunman, namagitan umano ang kanilang kuya at kapwa sila pinangaralan at sinabihang huwag na muling uulitin na mag-aaway dahil kung hindi ay puputulin na nito ang suportang pinansyal sa kanila.  

vuukle comment

ANTHONY BALDOVINO

AYON

BAGUIO CITY

BALINGASA

BRGY

GAYUNMAN

IPINASYA

KANILANG

NARRA ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with