^

Metro

1,000 residente ng QC, nananatili sa evacuation center

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nananatili pa sa mga evacuation center ang may 1,000 residente sa tatlong barangay sa lungsod Quezon matapos ang pananalasa ng bagyong Pedring sa kanilang mga tahanan, kahapon.

Ayon sa ulat, ang mga pamilya ay mga residente sa Bagong Silangan, Batasan, at Payatas na inilikas sa kani-kanilang mga tahanan bunga ng pagtaas ng tubig-baha.

May 311 katao pa ang nanatili sa Bagong Silangan Elementary School, habang 187 katao naman sa Bagong Sila­ngan covered court. Nasa 91 katao pa rin ang nananatili sa evacuation center sa San Isidro Labrador Church, 60 sa Sitio Bakal sa nasabi ring barangay.

Habang sa mga evacuation center sa Brgy. Payatas ay nagkakanlong pa rin ang may 60 katao sa Sulyap housing. Mayroon din sa Bagong Silangan High School, Susano hall at sa Sitio Veterans.

Ayon sa pulisya, patuloy ang monitoring na kanilang ginagawa sa naturang mga lugar habang hinihintay ang pagbaba ng tubig-baha sa mga ito para mapanumbalik na sa normal ang kabuhayan ng mga naapektuhang residente.

AYON

BAGONG SILA

BAGONG SILANGAN

BAGONG SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL

PAYATAS

SAN ISIDRO LABRADOR CHURCH

SITIO BAKAL

SITIO VETERANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with