^

Metro

MMDA tututok sa paglilinis

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinimulan agad kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa kalakhang Maynila partikular sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila at Pasay na lubhang naapektuhan ng bagyong Pedring na nag-iwan ng tone-toneladang basura buhat sa dagat.

Dakong alas-4 pa lang ng umaga nang umpisahan ng mga tauhan ng MMDA Sidewalk Clearing Operations team ang paglilinis sa Roxas Boulevard kung saan naiwan sa kalsada ang sari-saring mga basura tulad ng mga kawayan at sanga ng mga puno. Nagmula ang mga kawayan sa mga nawasak na fishpen sa Cavite.

Dahil sa dami ng basura na nagkalat, gumamit pa ang MMDA ng mga heavy equipments upang mahakot ang mga basura buhat sa kalsada at sa baybayin ng Manila Bay.

Binisita ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang ginagawang clean-up ope­rations kung saan sinabing maaaring tumagal ang paglilinis ng ilang araw pa.

Matatandaan na nagmistulang karugtong ng Manila Bay ang ilang bahagi ng lungsod ng Maynila at Pasay matapos na mawasak ang ilang bahagi ng seawall sa Roxas Blvd. kung saan umapaw ang tubig sa dagat. Isa rin sa malubhang na­apektuhan ng pagbabaha ang 5-star hotel na Sofitel Hotel na napuwersang ilikas sa kasagsagan ng bagyo ang kanilang mga guests.  

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA BAY

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

SIDEWALK CLEARING OPERATIONS

SOFITEL HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with