Canadian national nag-suicide
MANILA, Philippines - Isang 55-anyos na Canadian national na pinaniniwalaang nag-suicide sa pamamagitan nang pag-ooverdose ang natagpuan sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium unit sa Malate, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Nabubulok na ang bangkay ng biktimang kinilalang si Charles Horvath, pansamantalang nanunuluyan sa Room 806, Grand Tower II Bldg., Vito Cruz, Malate, Maynila nang madiskubre dakong alas-6:00 ng umaga.
Nabatid sa ulat na dahil sa isinagawang roving inspection ni Jeffrey Tanole ay naamoy nito sa ika-8 palapag ang masangsang na amoy na nanggagaling sa kuwarto ng biktima.
Nang puwersahing buksan ang pintuan ay nakita ang nakahigang katawan sa kama, may bula ang bibig.
Nabatid na noon pa umanong Setyembre 23 huling nakitang buhay ang biktima na papasakay sa elevator at may hawak na mineral water.
Naikuwento rin umano nito na matagal nang nananakit ang kanyang likod.
Nakumpirma rin ng imbestigador sa isang Myrna Tejeresas, sa Tanauan, Batangas, na madalas umano silang magkaugnayan sa text ng nasawi at ikinukuwento nito ang problema sa buhay maging ang anak sa Canada na nabuntis ng lalaki.
Dagdag pa nito na bigo rin ang biktima sa iniaalok na pag-ibig sa kanya. Nakilala niya ng nasawi sa online.
Posibleng may ininom na gamot ang biktima na dahilan ng overdose at ikinasawi nito. Gayunman, isinailalim ito sa awtopsiya upang makumpirma ang dahilan ng pagkamatay.
Nakipag-ugnayan na sa Canadian Embassy ang Homicide Section kung saan nakakuha pa ng selyadong liham na para sana sa biktima mula sa kanyang anak na babae.
- Latest
- Trending