^

Metro

2 sugatan sa bumagsak na billboard

-

MANILA, Philippines - Nagkatotoo ang pa­ngam­ba ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa panganib na dulot ng mga depektibong billboards makaraang dalawa katao ang nasugatan nang mabagsakan ng istruk­tura ng isang billboard ang sinasakyan nilang kot­se kasama ang dalawa pang sasakyan, kahapon sa Buendia, Makati City.

Sa inisyal na ulat ng MMDA Metrobase, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa panulukan ng Buendia Avenue at Osmeña Highway sa Makati City. 

Lulan ang dalawang hindi pa nakikilalang biktima ng Toyota Corolla nang mabagsakan ng higanteng istruktura ang kanilang sasakyan.

Sinabi ni Charlie Nosares ng MMDA, nagtamo ng “minor injuries” ang mga biktima na agad nilapatan ng paunang lunas ng Makati Rescue Team bago dinala sa paga­mutan upang makatiyak na walang ibang pinsala ang mga ito. Hindi naman batid kung magsasampa ng kaso ang mga biktima laban sa ope­rator ng naturang billboard.

Nabatid din na isang pam­ pasaherong bus at isang Mitsubishi Pajero ang bahagyang nabagsakan din ng istruktura kung saan ma­suwerteng walang na­iulat na nasaktan sa mga sakay nito.

Matatandaan na nagsu­mite nitong nakaraang Lunes ng mosyon si MMDA Chairman Francis Tolentino kay Judge Elpidio Calis ng Makati Regional Trial Court branch 133 upang pansamantalang isuspinde ang “temporary restraining order” laban sa operasyon sa billboards upang matiklop ng ahensya ang mga billboards para sa kaligtasan ng publiko ngunit hindi ito agad na napagbigyan.

BUENDIA AVENUE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHARLIE NOSARES

JUDGE ELPIDIO CALIS

MAKATI CITY

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MAKATI RESCUE TEAM

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MITSUBISHI PAJERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with