^

Metro

Metro Manila hindi nakaligtas kay 'Pedring'

- Mer Layson, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi rin nakaligtas sa lupit ng bagyong si Pedring ang Metro Manila sa malakas na hangin na dala nito kahapon.

Ang malakas na hangin ng bagyo ang nagpalaki sa alon sa Manila Bay na naging­ dahilan ng matinding pagbaha sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.

Nagmistulang karugtong ng dagat ang kahabaan ng Roxas Boulevard na dito na­itala ang pinakamataas na tubig na lampas bewang sa ilang bahagi.

Libu-libo ring pamilya bu­hat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang inilikas sa kasagsagan ng bagyong si Pedring dulot nang pagtaas ng tubig at malakas na pag­hagupit ng hangin.

Puspusan din ngayon ang paglilinis ng mga tauhan ng Ospital ng Maynila ma­­ta­­pos pasukin na rin ng maruming­ tubig at mga ba­sura ang emergency room at iba pang bahagi ng pagamutan.

Ayon sa ulat, tanghali nang tumaas ang tubig sa na­sabing lugar kaya uma­ paw ang drainage system.

Nabatid na sumampa ang tubig sa seawall na nasa Roxas Boulevard kaya umagos ito hanggang sa kalapit na ospital.

Pero bukod sa maruming tubig-baha, natangay din ang mga basurang tulad ng plastic na pumasok pa sa loob ng emergency room pati na sa ilang silid ng pagamutan.

Dahil dito, inilipat ang ilang pasyente sa mas ma­ taas na bahagi ng gusali.

Sumabog din ang tatlong poste ng Meralco dahil sa lakas ng hangin sa New Antipolo Street.

Nabagsakan ang kotse, tricycle at dalawang bahay. Sugatan sa insidente ang isang bata at isang matanda na dinala na sa Jose Abad Santos Hospital. Kasabay nito, pinutol na ang supply ng kuryente sa lugar.

Daan-daang pamilya ang inilikas ng mga lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at Pasay City dahil sa banta ng pagbabaha dulot pa rin ng walang puknat na pag-ulan na dala ni Pedring.

Sa ipinadalang advisory ng Muntinlupa Public Infor­mation Office, nasa 183 pa­milya o katumbas na 884 ka­tao ang inilikas sa mga barangay Sucat, Cupang at Buli sa naturang lungsod.

Dinala ang mga eva­cuees sa Sucat at Cupang Elementary Schools na pan­samantalang ginawang eva­cuation centers. Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa mga apektadong pamilya.

Sa Pasay City, daan-da­ang pamilya rin ang inilikas sa walong barangay na nakakasakop sa area ng Maricaban dahil sa pagbabaha rin dulot ng pag-apaw ng creek sa naturang mga lugar.

Patuloy naman ang monitoring ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bahaging ti­mog ng Metro Manila sa pag­ragasa ng bagyong Pedring.

Sa Quezon City, mga nag­bagsakang puno, mga tarpulin at poste ng Meralco ang pinaranas ng bagyong Pedring sa mga residente at motorista sa maraming lugar sa lungsod.

Ayon sa ulat, sunud-su­nod na puno ang nabuwal sa mga lugar sa Mindanao Avenue, Commonwealth Avenue, Novaliches, Visayas Avenue, Kamuning, at MS Amoranto matapos na hambalusin ng malakas na hangin sa kasagsagan ng naturang bagyo.

Dahil dito, nagdulot ng matinding trapik sa mga motorista, matapos na humambalang sa mga kalye ang mga nagsipagbuwalang mga puno.

Isang poste rin ng Me­ ralco ang bumagsak sa Metro Green Village Novaliches da­hilan para mawalan ng suplay ng kuryente ang maraming residente sa lugar at nagdulot din ng matinding trapik dito.

Hindi rin pinalampas ng malakas na hangin na dala ng bagyong Pedring ang pagkalas ng dambuhalang tarpulin sa may Kamuning na bu­magsak sa isang establisimyento.

Marami ring mga com­muters ang na-stranded sa bahagi ng Edsa lalo na sa may MRT station matapos na ikansela ang ope­rasyon nito dulot ng kakulangan ng suplay na kuryente.

Samantala, ayon naman sa hanay ng Quezon City Police District (QCPD), may 600 pamilya na ang inilikas sa magkakahiwalay na evacuation center sa may Bagong Sila­ngan matapos na tumaas ang tubig baha at abutin ang kani-kanilang mga kabahayan.

Sinabi ni SPO3 Alden Lasam ng QCPD, karamihan sa mga inilikas na pamilya ay naninirahan sa mga lugar ng Clemencia, Greenland, at Sunrise sa Brgy. Bagong Si­langan at dinala na sa tat­long evacuation center tulad ng Sulyap Evacuation Center at Bagong Silangan covered court

May ilan ding barangay ang mino-monitor bunga ng patuloy na pagtaas ng tubig baha partikular ang mga nakatira malapit sa mga creek.

ALDEN LASAM

AYON

BAGONG SI

LUGAR

METRO MANILA

PEDRING

ROXAS BOULEVARD

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with