TANOD inilunsad ni Joy B sa QC
MANILA, Philippines - Inilunsad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa tulong ng Philippine Council of Kali Escrima Arnis Masters (PCKEAM) ang programang Training in Arnis and Neighborhood Organized Defense (TANOD).
Layunin ng programang ito na maipakilala ang isport na arnis sa mga mamamayan sa lungsod at maitampok ng lokal na pamahalaan ang arnis bilang bahagi ng programang pang-isports kasunod ng pagkakatatag dito bilang pambansang isport sa ilalim ng RA 9850.
Nais din ni Vice Mayor Belmonte na patatagin ang sportsmanship, respeto at disiplina sa hanay ng mga barangay tanod na mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa anumang kaguluhan para mapangalagaan ang mamamayan sa bawat komunidad.
Una nang naipatupad ang programa sa District 1 – Barangay Masambong covered court, District 2 – Barangay Holy spirit – Gilarme covered court at Barangay Baesa covered court, District 3 – Barangay Milagrosa covered court at District 4 Amoranto Sports Complex sa Oktubre 1 at 2.
- Latest
- Trending