^

Metro

Na-hit and run na, ninakawan pa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang nangyari sa isang lalaki na biktima ng hit-and-run na imbes na tu­lungan ay pinagnakawan pa sa Cubao­, Quezon city kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon kay PO3 Perlito Datu ng Traffic Sector 3 ng QCPD, dahil nanakaw ang gamit ng biktima at itinira lamang ang bag nito na may lamang mga da­mit, inilarawan lamang ang nasawi sa edad na 35-45 anyos, may taas na 5’4’’, katamtaman ang panganga­tawan, at naka­suot ng puting long sleeves, itim na pants.

“Walang itinirang gamit sa biktima, maliban sa bag, disente ’yung tao, kaya impo­sibleng wala itong dalang pitaka, mayroong naiwang battery ng cellphone, pero ’yung mismong cellphone wala,” sabi pa ni Datu.

Sa imbestigasyon, ang bik­tima ay sinasabing nabundol ng isang SUV na may plakang NIO-918 sa may south-bound Cubao, sa Brgy. Immaculate Concepcion ganap­ na alas-2 ng mada­ling-araw.

Bago ito, kabababa pa lamang­ umano ng biktima sa sinakyan nitong pampasaherong bus sa may gitna ng center island sa nasabing lugar at papa­tawid patungo sa gilid ng bangketa nang big­lang sumulpot ang SUV at mabundol ito.

Sa lakas ng impact, tu­mi­lapon ang biktima sa kalsada saka pumailalim sa nakaparadang City Star taxi sa lugar. Habang ang nakabundol na SUV, sa halip na bumaba ay tumakas papalayo.

Agad namang rumes­ponde ang Philippine Red Cross rescue team at agad na hinugot sa ilalim ng taxi ang biktima saka itinakbo sa may East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas, subalit makalipas ang alas-3:46 ng madaling-araw ay idineklara itong patay.

Sinabi ni Datu, sa nga­yon ay pinatutukoy na nila sa LTO ang may-ari ng na­sa­bing SUV.

AYON

CITY STAR

CUBAO

DATU

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IMMACULATE CONCEPCION

PERLITO DATU

PHILIPPINE RED CROSS

SHY

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with