^

Metro

Ide-demolish na mga residente nagsagawa ng noise barrage

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng noise barrage ang mga residente ng maralitang komunidad sa BIR road, Quezon City upang tutulan ang nakaambang pagdemolis ng kanilang mga tahanan.

Bitbit ang mga kaldero at iba pang paingay, kinalampag ng mga residente ang pamahalaan dahil umano sa kawalang pagpapahalaga sa kanilang mga mahihirap.

Tutol ang mga residente sa implementasyon ng proyektong Quezon City Central Business District (QC-CBD) na magiging ugat para sila mapaalis sa kanilang kinatitirikang lupa.

Ayon kay Purificacion Baluyot, lider ng Brgy. Central Neighborhood Association (BACENA),  ang huling­ clearing­ operations ay naganap noong nakaraang Miyer­kules­ na nagpapakita ng matinding pagtulak sa lokal na pamahalaan ng lungsod para pabilisin ang demolisyon­ sa kanilang lugar.

Giit nila sa halip na tulungan para makarekober sa trahedya hatid ng sunog ay mistula pa silang hayop na itinataboy sa kanilang tinitirhan para mapagbigyan lamang ang sinasabi nilang pag-unlad.

vuukle comment

AYON

BITBIT

BRGY

CENTRAL NEIGHBORHOOD ASSOCIATION

GIIT

MIYER

PURIFICACION BALUYOT

QUEZON CITY

QUEZON CITY CENTRAL BUSINESS DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with