^

Metro

3-taong gulang na bata hinalay ng 12-anyos

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na paslit ang umano’y ginahasa ng 12-anyos na binatilyo noong Setyembre 16, sa bahay ng huli sa may Sta. Mesa, Maynila.

Kasabay nito, umapela naman si Jay dela Fuente, hepe ng Manila Social Welfare Department (MSWD) sa magulang ng binatilyo na isuko na ang kanilang anak upang mapaliwanagan na ang kanyang ginawa sa bik­tima ay mali.

“Ayaw nang magbihis ng bata, at kapag kumakandong sa daddy niya iminumuwestra ang ginawa ng suspect,” ani Fuente.

Nabatid na pautal-utal umanong isinumbong ng paslit sa kanyang nanay ang ginawa ng binatilyo kung kaya’t agad naman silang humingi ng tulong sa MSWD.

Pinuntahan naman ng mga awtoridad ang bahay ng suspect pero wala na ito doon at inilayo ng kanyang mga magulang para hindi naman daw maapektuhan sa problemang pinasok nito.

Sinabi ni dela Fuente na alinsunod sa Juvenile Act ay walang pananagutan ang isang paslit sa anumang krimen na nagawa nito, ngunit dapat itong ikostudiya muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naniniwala rin si Dela Fuente na dapat nang am­yendahan ang naturang batas at pababain ang edad ng mga batang pananagutin sa nagawang krimen.

Aniya, panahon na upang repasuhin ang batas­ at ang anggulo na ibaba ang edad na nagbibigay ng exemption o proteksiyon na walang liabilities ang isang bata.

Isasailalim naman sa therapy ang paslit at ang mga magulang nito.

ANIYA

AYAW

DELA FUENTE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FUENTE

ISANG

ISASAILALIM

JUVENILE ACT

KASABAY

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with