^

Metro

Pulis na nakapatay sa seaman sumuko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sumuko na ang isang tauhan ng Manila Police District (MPD) na bumaril at nakapatay sa isang seaman na naka­alitan dahil sa pagkabangga ng rear bumper ng huli, sa Ermita, Maynila noong Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Sr. Insp Joey De Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, na-trace nila ang sasakyan ng itinuturong suspect sa pamamaril sa biktimang si Danielo Gray, may-asawa at residente ng Moonwalk, Las Piñas kaya natukoy na si SPO3 Vidal Bolanos, 52, nakatalaga sa MPD-Police Community Precinct-Intramuros ang sina­sabing responsable sa krimen.

Huwebes nang sumuko si  Bolanos sa kanyang hepe sa Intramuros-PCP kasunod ng positibong pagkilala sa kanya sa police line-up ng testigong si Jonathan Abante, 25, kaibigan ng biktima.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang grupo ni De Ocampo sa Intramuros-PCP matapos matunton ang kulay light gold na Mitsubishi GLXI  (UEC 374) na sasakyan ng suspect sa harapan ng bahay ng kanyang kamag-anak sa Libertad St., Pasay City, dakong ala-1:00 ng madaling-araw noong Miyerkules.

Nadiskubre din na unang may-ari ng sasakyan ay isang Milagros Alvarez ng #253 San Simon St., Quezon City at naibenta ito kay Bolanos noon taong 2008.

Umamin ang suspect na magulo pa ang isip niya sa pangyayari kaya hindi agad nagawang sumuko at depensa niya na nagdilim ang kanyang paningin nang angasan siya at suntukin ng biktima sa kanilang pagtatalo.

Magugunitang  nitong Set. 21 dakong alas-2:10 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente ng pama­maril sa panulukan ng M. H. Del Pilar at Salas Sts., Ermita, Maynila kaugnay sa pagkabangga ng pulis sa Toyota Vios ng seaman na may plakang DVZ 443.

Nang magkomprontahan ang grupo ng seaman at pulis ay nauwi sa pamamaril dahil sa panghahablot umano ng pulis ng camera ng kasama ng biktima. Nagalit umano ang pulis nang kukunan ang sasakyang nabangga kaya hinablot at nalaglag ito at minura umano ng pulis ang grupo ng seaman.

Bumalik sa sasakyan ang pulis at pagbalik ay pina­putukan sa dibdib ang biktima bago tumakas habang ang huli ay isinugod sa Ospital ng Maynila kung saan ito binawian ng buhay.

BOLANOS

DANIELO GRAY

DE OCAMPO

DEL PILAR

ERMITA

HOMICIDE SECTION

INTRAMUROS

JONATHAN ABANTE

LAS PI

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with