Mag-utol dakma sa dinamita

MANILA, Philippines - Kalaboso ang mag-utol na lalaki matapos madakma ng pulisya na gumagamit ng dinamita sa pangingisda sa karagatang sakop ng M. Naval sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Remy Lacaba, 31; at Ariel Lacaba, 26, kapwa nakatira sa Pitong Gatang Street sa Brgy. Sipac Almacen sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 5 kilong iba’t ibang uri ng isda, aircon pressure, improvised flipper pod, 2 lambat na maliliit ang butas, goggled, bote ng beer na naglalaman ng ammonium at iba pang gamit sa paggawa ng dinamita.

Show comments