MANILA, Philippines - Nakiisa ang lungsod ng Navotas sa inilunsad na programa ng MMDA at Metro Manila Mayors Spouses Foundation Inc. na ‘Lingap sa Kapaligiran’ Program sa pamamagitan ng sama-samang paglinis sa mga lansangan sa lungsod.
Pinamunuan ni Mayor John Reynald M. Tiangco ang malawakang paglilinis “Navotas Ko, Love Ko – Ganda ng Navotas, Ipagmamalaki Ko”.
Dumating sa nasabing okasyon ang MMDA gen. manager Corazon Jimenez at President ng MMSF; gayundin ang mga may-bahay ng mga Punong Lungsod sa Metro Manila. Sa isang presentasyon na ipinakita ni G. Joselito Osete, Puno ng City Environment and Natural Resources Office – Navotas, ipinakita niya ang mga isinasagawang hakbang ng kanyang departamento at liga ng kalinisan upang mapanatiling kaaya-aya at malinis ang mukha ng Navotas.
Ilan sa mga proyektong nabanggit ay ang Weekly Clean-up Operation in support to Dengue Campaign Prevention, Water Segregation and Reduction Program, Materials Recovery System, Solid Waste Management Seminars and Workshops, Manila Bay Clean-up and Rehabilitation, Tree Planting and Urban Greening and other Advocacy Campaigns.
Isa sa pinaka-highlight ng presentasyon ay ang pag-transform ng dating tambakan ng basura sa Navotas sa isang magandang parke at bus terminal na ngayon ay kilala sa tawag na Navotas Centennial Park at Navotas Bus Terminal.