^

Metro

'Ganda ng Navotas', inilunsad

-

MANILA, Philippines - Nakiisa ang lungsod ng Navotas sa inilunsad na programa ng MMDA at Metro Manila Mayors Spouses Foundation Inc. na ‘Lingap sa Kapaligiran’ Program sa pamamagitan ng sama-samang paglinis sa mga lansangan sa lungsod­.

Pinamunuan ni Mayor John Reynald M. Tiangco ang malawakang pagli­linis “Navotas Ko, Love Ko – Ganda ng Navotas, Ipagmamalaki Ko”.

Dumating sa nasa­bing okasyon ang MMDA gen. manager Corazon Jime­nez at President ng MMSF; gayundin ang mga may-bahay ng mga Punong Lungsod sa Metro Manila. Sa isang presentasyon na ipinakita ni G. Joselito Osete, Puno ng City Environment and Natural Resources Office – Navotas, ipinakita niya ang mga isinasagawang hakbang ng kanyang departamento at liga ng kalinisan upang mapanatiling kaaya-aya at malinis ang mukha ng Navotas.

Ilan sa mga proyektong nabanggit ay ang Weekly Clean-up Operation in support to Dengue Campaign Prevention, Water Segregation and Reduction Program, Materials Recovery System, Solid Waste Management Seminars and Workshops, Manila Bay Clean-up and Rehabilitation, Tree Planting and Urban Greening and other Advocacy Campaigns.

Isa sa pinaka-highlight ng presentasyon ay ang pag-transform ng dating tambakan ng basura sa Navotas sa isang magandang parke at bus terminal na ngayon ay kilala sa tawag na Navotas Centennial Park at Navotas Bus Terminal.

vuukle comment

ADVOCACY CAMPAIGNS

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

CORAZON JIME

DENGUE CAMPAIGN PREVENTION

IPAGMAMALAKI KO

JOSELITO OSETE

LOVE KO

MANILA BAY CLEAN

MATERIALS RECOVERY SYSTEM

NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with