Manager sugatan sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang plant manager nang barilin ng riding­ team tandem kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang hita ang biktimang si Percelio Edic, 42, ng Brgy. West Canumay, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Ihaw-Ihaw sa Santiago St., Brgy. Canumay West ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na kasalukuyang nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspect.       

Isa sa mga ito ang agad na bumunot ng baril at pinutukan ang biktima saka nagsitakas. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

Show comments