^

Metro

MCJ doble alerto vs jailbreak, kontrabando

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Manila City Jail (MCJ) na doble alerto ang kanilang isinasagawa ngayon sa loob ng piitan laban sa jailbreak at pagpapasok ng mga kontrabando sa piitan.

Ang paniniyak ay gi­nawa ni MCJ Warden Sr. Supt. Ruel Rivera, matapos ang ginawang pagta­kas ng siyam na preso ka­makalawa sa Quezon City Police District Fairview Police­ Station.

Ayon kay Rivera, 24 oras naglilibot ang kanyang mga tauhan sa pali­gid ng MCJ   habang may metal detector at body searching naman sa mga bisita upang masiguro na walang naipapasok na anumang kontrabando tulad ng lagari at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Rivera na inu­tos din niya ang pagbabawas sa mga dalang pagkain ng mga dalaw.

Aniya, kailangan lamang dalhin ng mga dalaw ang mga pagkain na kakainin sa loob ng isang araw.

Posibleng mabulok lamang ang mga pagkain dahil wala namang puwedeng pag-imbakan ng mga ito.

Dagdag pa ni Rivera, iniiwasan lamang nila na masalisihan ng mga kon­trabando na maaaring ga­mitin ng mga preso sa pagpuga.

Kasabay nito, pinabulaanan din ni Rivera na pi­nagbabawalang magdala ng pagkain ang mga dalaw.

ANIYA

AYON

MANILA CITY JAIL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT FAIRVIEW POLICE

RIVERA

RUEL RIVERA

SHY

WARDEN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with