^

Metro

Mag-ina inambus: 1 patay, 1 sugatan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Utas ang isang 72-anyos na ginang habang sugatan ang 44-anyos na anak, nang tambangan ng riding-in-tandem habang sakay ng sports utility vehicle (SUV) na bumabagtas, sa P. Ocampo st., Malate, Maynila, Biyernes ng hapon.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Lolita Javier, negosyante at may-ari ng Agenda Salon, na nasa Citiland Condominium sa Vito Cruz, Tower-1, Malate, Maynila. Tatlong tama ng bala ang tinamo umano nito sa katawan.

Daplis naman sa kanang bahagi ng leeg at katawan ang tinamo ng biktimang si Hector Javier, 44, anak ng ginang.

Sa ulat, naganap ang ambush dakong alas -5:05 ng hapon kamakalawa sa may Ocampo St., Malate.

Sakay ang mag-ina ng Hyundai (ZNW 954) na papauwi umano sa nasabing condominium nang biglang tabihan ng riding-in-tandem at paulanan ng bala ang kanilang sasakyan bago nagsitakas.

Isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima subalit binawian nang buhay ang matandang Javier.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Earnest Funeral Homes para isailalim sa awtopsiya.

vuukle comment

AGENDA SALON

BIYERNES

CITILAND CONDOMINIUM

DAPLIS

EARNEST FUNERAL HOMES

HECTOR JAVIER

LOLITA JAVIER

MAYNILA

OCAMPO ST.

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with