^

Metro

15 Taiwanese timbog sa credit cards 'cloning'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga operatiba ng NBI ang ope­rasyon ng mga dayuhang sindikato sa ‘cloning’ ng credit cards sa pagkakadakip sa may 15 Taiwanese na­tionals na nagpapatakbo ng isang mistulang call center sa isang eksklusibong subdibisyon, sa lungsod ng Quezon.

Ibinunyag ni NBI-Technical Investigation Division (NBI-TID) head agent Atty. Palmer Mallari na ang mga dayuhang naaresto, na hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ay responsable umano sa pagkopya o duplication ng credit cards sa pamamagitan ng ‘hacking’sa mga may-ari nito na pawang nasa ibayong dagat. Mula sa na-hack na accounts ay ililipat ang information sa isang blangkong credit cards.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang NBI sa Taiwanese Economic and Cultural Office (TECO) offi­cials upang maberipika kung nagmula sa kanila ang mga tinutukoy na Taiwanese. Nag-ugat ang raid nang makatanggap ng intelligence report ang NBI hinggil sa kaduda-dudang aktibidad ng mga nasabing dayuhan sa dalawang subdivision partikular sa BF Homes at Filin­vest II, sa QC. Sila din umano ang sindikato sa panloloko ng mga kliyente sa online shopping at extortion sa mga residente ng bansang China.Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

FILIN

IBINUNYAG

INIHAHANDA

KASALUKUYANG

MULA

NALANSAG

PALMER MALLARI

TAIWANESE ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

TECHNICAL INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with