^

Metro

4 sa 9 na pugante sa QC jail, balik-kalaboso

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Balik-selda na ang apat sa siyam na pugante sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sa Fairview matapos ang walang humpay na pagtugis simula nang tumakas ang mga ito noong Miyer­kules ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Ed­gardo Pamittan, hepe ng PS5, pa­ngunahing naaresto ang tinuturing na lider na si Pedro Perez­ at kasamahan sina Russel­ Catintay, Romulos Bagnate at Joel Gorobot.

Si Perez, Catintay at Bagnate ay nadakip sa may Purok 1, Silangan Village, San Mateo Rizal, ganap na alas-6 ng gabi habang si Gorobot ay naaresto rin sa naturang lugar pasado ala-1:00 ng madaling-araw.

Ayon sa kanila, napilitan lang silang tumakas dahil nami-miss na nila ang kanilang pamilya na hindi dumadalaw sa kanila.

Patuloy naman ang manhunt operation sa natitira pang pugante na sina Ri­chard Santos­, Severilio Soriano, Richard David, Ernesto Ramasanta at Alex Francisco.

Maaalalang nagawang makapuga ng mga suspect sa nasabing himpilan sa pama­magitan ng paglagare sa isang pirasong rehas ng window grill na may 10 talampakang taas.

Isasailalim naman sa pagsisiyasat ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Division ng QCPD ang mga duty desk officer na sina SPO2 Paligutan at mga jail guards na sina Romeo Guerrero at PO3 Manuel Ireneo para mabatid kung ano ang kanilang pagkakamali at nagawa silang matakasan ng mga preso.

vuukle comment

ALEX FRANCISCO

AYON

CATINTAY

ERNESTO RAMASANTA

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

JOEL GOROBOT

MANUEL IRENEO

PEDRO PEREZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with