400 pulis ikakalat sa MM
MANILA, Philippines - May 400 mga pulis ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga commercial districts at iba pang matataong lugar sa Metro Manila sanhi ng inaasahang pagtaas ng kriminalidad partikular na ang robbery/holdup ngayong ‘ber months’. Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang mga pulis ay buhat sa Regional Safety Battalion para tumulong sa pagbabantay sa seguridad sa mga shopping malls, establisimento, terminals, airports, LRT, MRT stations at iba pang mga matataong lugar. Sinabi ni Cruz na sa tuwing papasok ang ‘ber months’ ay tumataas ang insidente ng kriminalidad lalo na ang holdapan, bag slashing, pandurukot, snatching at iba pa. Bukod sa mga shoppers, target din ng masasamang elemento ang mga nagwi-withdraw sa ATM kaya dapat mag-ingat ang mamamayan. Ayon sa PNP Spokesman, regular nilang ginagawa na sa tuwing sasapit ang ‘ber months ay pinalalakas nila ang ‘police visibility’, mobile patrol, police assistance desk sa entrance ng mga malls. Sa mga panahong ito umano nagsisimulang mamili ang publiko para sa ‘holiday season’.
- Latest
- Trending