^

Metro

P100-M pekeng produkto winasak ng BOC

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot sa may P100 milyong iba’t ibang pekeng mga produkto ang winasak ng Bureau of Customs na nasabat mula sa mga bodega na ginagamit na imbakan ng mga pinaniniwalaang smuggler ng mga puslit na kargamento.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang mga pekeng produkto ay kinabibilangan ng kilalang brand name tulad ng Louis Vuitton bags, Lacoste, Nike, Adidas na sapatos at relos.

Nabatid na gawang China ang mga nasabing produkto na ikinakalat sa mga tindahan kung saan nakabibili ng mga gamit sa murang halaga gaya ng 168 mall at iba pang bargain centers sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Nilinaw ni Alvarez na ang mga sinirang produkto ay bahagi ng mga nakumpiska noong isang taon at ng P300 milyong nakumpiska noong isang buwan.

Sa rekord na naitala ng Intellectual Property Rights Office ng Pilipinas, pinuri ang BOC sa pagkasamsam ng P1.3 bilyon halaga ng pekeng produkto mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

ADIDAS

AGOSTO

ALVAREZ

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

ENERO

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS OFFICE

LOUIS VUITTON

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with