^

Metro

Smokers lagot uli sa MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lagot na naman ang mga talamak na ‘yosi kadiri’ sa Metro Manila­ dahil sa muling panghuhuli ng mga “environment en­forcers” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula nitong Lunes makaraang mapaso na ang temporary restraining order na inilabas ng Mandaluyong City Regional Trial Court.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nag-umpisa nang muling manghuli sa mga kalsada ang kanilang mga en­forcers na karamihan ay mga babae dahil sa hindi na epektibo ang TRO na inilabas ni Mandaluyong RTC Branch 213 Judge Carlos Valenzuela.

Upang hindi naman magkaroon ng kalituhan sa mga lansa­ngan, napagkasunduan ng MMDA at ng Kongreso sa pagbisita ni Tolentino sa Kamara na magkabit ng mga “No Smoking signages” sa mga lugar na ipinagbabawal ang paninigarilyo base sa isinasaad ng Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003.

Ikakabit ang mga signages na ito sa mga terminals ng iba’t ibang transportasyon, mga kalsada, pampublikong mga gusali at open space tulad ng mga parke.

Binilinan na rin umano ang kanilang mga enforcers na kapag naninita ay ituro rin sa mga naninigarilyo ang mga itinalaga nilang lugar sa Kamaynilaan na maaaring manigarilyo dahil sa may mga inilagay silang “smoking bins”.

Nilinaw ni Tolentino na hindi maaaring manghuli ang kanilang mga traffic enforcers kundi ang kanilang mga environment enforcers lamang na karaniwang nakasuot ng brown na tsaleko.

Sa website ng MMDA, umaabot na sa 7,627 ang nadadakip ng MMDA hanggang Setyembre 9 kung saan pinagbabayad ang mga ito ng kanilang multa sa banko. Kapag hindi nagawang makapagbayad, iaalerto ang pangalan ng naturang natikitang tao at mahihirapang makakuha ng NBI clearance at iba pang mahalagang dokumento.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

JUDGE CARLOS VALENZUELA

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NO SMOKING

REPUBLIC ACT

TOBACCO REGULATION ACT

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with