^

Metro

SUV vs PUJ: 3 todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang 13 iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong jeepney at kotse sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Renato Sunga ng Quezon City Police Sector 3, nakilala ang mga nasawi na sina Alejandro Salazar, 32, driver ng Honda Civic; Jason Bryan Magnayon, 26; at si Bryan Diano, 19, 4th year Engineering student sa University of the Philippines.

Sugatang naisugod sa East Avenue Medical Center sina Christian Ryan Cadan, 21; Evelyn Villarina, 49; Donna Mercado, 32; Rosalie Bonifacio, 32; Aldwin Torcino, 32; Norlin Mayang, 31; Jackelyn Balabat, 20; Jose Bacaresas, 45; Jannete Bringas, 25; at si Judy Diano, 32, mga sakay ng PUJ; Jhaybee dela Cruz, 24; Juan Carlos Rafael dela Cruz; at Ernie Vergara, 24; mga sakay naman ng SUV.

Lumilitaw na huminto ang pampasaherong jeepney (TWH-941) ni Jojit Solis para magbaba ng pasahero nang biglang sumulpot ang Honda Civic (UFZ-533) ni Sa­lazar at tumbukin nito ang hulihang bahagi ng jeepney.

Sa lakas ng impact ng kotse ay halos umangat ang jeepney, bago tuluyang nagpaikot-ikot sa kalsada saka tumagilid.

Sinasabing nasa tabi ng driver’s seat ang estudyan­teng si Bryan Diano at ang ate nitong si Judy nang tu­magilid ito kaya naipit at labis na mapinsala ang katawan at ulo.

Samantala, halos ma­durog naman ang Honda Civic­ sa lakas ng impact, na naging­ ugat para magtamo ng labis na pinsala sa katawan ang mga sakay nito lalo na si Salazar na nasawi din sa road mishap.

Nabatid na patungong bus terminal ang nasa­wing si Bryan Diano para sunduin ang kanilang ina nang makasalubong si kama­tayan. 

Patuloy naman ang pagsisiyasat habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng jeepney na si Solis.

vuukle comment

ALDWIN TORCINO

ALEJANDRO SALAZAR

BRYAN DIANO

CHRISTIAN RYAN CADAN

CRUZ

DONNA MERCADO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HONDA CIVIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with