Chief of police sa Pasay, tuluyan nang pinalitan
MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang away sa pagitan ng alkalde at hepe ng Pasay City Police na may kaugnayan sa pagpapatigil ng mga illegal na gawain tulad ng sugal sa nabanggit na lungsod, sinibak sa pwesto ang chief of police nito kamakalawa ng gabi.
Sa isang turn-over ceremony na isinagawa kamakalawa dakong alas-6 ng umaga, tinanggal bilang chief of police ng Pasay City si Senior Supt. Napoleon Cuaton kung saan pinalitan siya ni Senior Supt. Melchor Reyes, galing ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Ang pagsibak kay Cuaton ay base na rin sa naging kahilingan ng alkalde sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Nabatid na biglaang sinibak sa pwesto si Cuaton, dahil na rin sa lumalalang away nito at ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na sinasabing may kinalaman sa mga ilegal na aktibidades sa nabanggit na lungsod tulad ng sugal.
Naunang inihayag ni Cuaton, na pinupulitika siya ng nabanggit na alkalde, dahil malapit siya (Cuaton) sa negosyanteng si George del Rosario at Davao City Vice-Mayor Rodrigo Duterte.
Noong nakaraang halalan ay isa si Del Rosario sa nagbigay ng suporta kay Calixto, subalit nagsimulang umasim ang ?relasyon ng dalawa matapos pagbintangan ng alkalde ng pakikialam sa ?pamamahala ng lungsod ng dating malapit na kaibigan.
Inakusahan pa ni Cuaton ang alkalde na may alam sa nangyayaring illegal sa lungsod, tulad ng illegal terminal at sugal, na isa umano sa bilin ng alkalde na huwag aniyang pakikialaman ang mga ito.
Gayunman, nang maglabas umano ng direktiba ang alkalde na nag-aatas na ?ipasara sa loob ng 48-oras ang mga sugalan na kaagad niyang ipinatupad na naging dahilan upang mapilayan nang husto ang mga? malalapit na ka-alyado ni Calixto.
Dahil dito inatasan umano ni Calixto si Cuaton na buksang muli ang mga iligal na pasugalan na mariing tinutulan ng hepe ng pulisya.
“Bigyan n’ya (Calixto) ako ng black & white order na pabayaan ko ang ?gambling lord na mag-operate ng sugalan, pagbibigyan ko siya, eh kaso ?ayaw naman niya akong bigyan, kaya siya nagagalit sa akin,” mariing? pahayag ni Cuaton.
Nagpasya si Cuaton na magsalita matapos ihayag ng alkalde na tumaas ?ang kriminalidad sa lungsod kaya hiniling na niya kay DILG Secretary Jesse Robredo na palitan na ang kanyang chief of police.
- Latest
- Trending