^

Metro

Basurang nakolekta ng MMDA kayang punuin ang 3 Olympic size swimming pool

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa 7,000 cubic meter ng mga basura na kayang punuin ang tatlong Olympic size swimming pool ang nakolekta ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa pagtatapos ng kanilang ginagawang paglilinis sa mga estero ng Kalakhang Maynila.

Ang paglilinis ay bilang bahagi ng programa ng MMDA sa inilunsad na “August Estero Blitz” Program noong nakaraang buwan.

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tinatayang 45 estero ang kanilang sinuyod at dito nakolekta ang naturang mga basurang naka­bara sa mga estero na na­giging sanhi ng mga pagbaha sa Kamaynilaan kahit sa kaunting pag-ulan lamang.

Ayon pa sa naturang opis­yal, kung sa loob ng isang buwan ay ganito na karaming basura ang nahakot nila ay hindi malabong ma-declog ang mga baradong drainage system sa Metro Manila.

“We’re hoping that local government units, in­cluding barangays, will regularly clean their waterways on their own. Households should likewise adopt proper waste disposal practices,” ayon pa kay Tolentino.

vuukle comment

AUGUST ESTERO BLITZ

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

KAMAYNILAAN

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVE

NABATID

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with