^

Metro

Labor leader inambus sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang labor lider matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Mula sa Manila Central University (MCU) Hospital, ini­lipat sa St. Luke’s Medical Center ang biktimang si Guiller­mo Malipot, 59, ng El Pueblo, Sta. Maria, Bulacan at presidente ng “Nagkaka­isang mga Manggagawa sa Pantalan, ICTSI-NAFLU-MICT”, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:09 ng gabi sa kahabaan ng C-3 Road, Brgy. Sawata, Caloocan City.

Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang secretary na si Elma Carnaje at sakay ng isang sasakyan at habang binabagtas ang nabanggit na lugar, bigla silang hinarang ng suspek na nakasakay sa motorsiklo at walang sabi-sabing pina­ulanan ito ng bala.

Inasinta ng suspect si Malipot at masuwerteng hindi tinamaan si Carnaje.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa akalang napatay niya ang target.

Kaagad namang isinugod ang biktima sa pa­gamutan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente, inaalam din kung may kinalaman sa pagiging presidente nito ng labor group ang motibo sa naganap na krimen.

BRGY

BULACAN

CALOOCAN CITY

EL PUEBLO

ELMA CARNAJE

MALIPOT

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MEDICAL CENTER

SHY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with