^

Metro

Traffic enforcers nais armasan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang posibilidad na armasan ang kanilang mga traffic enforcers dahil sa umano’y panganib na sinusuong ng mga ito araw-araw buhat sa mga barumbadong mga motorista.

Sinabi ni Tina Velasco, tagapagsalita ng MMDA, pina­re­rebisa na ni Chairman Francis Tolentino ang dating mga panukala na armasan ang mga ito upang mapag-aralan at maisulong sa administrasyong Aquino kung magiging balido.

Matatandaan noong taong 2007, ipinanukala ni dating Chairman Bayani Fernando na armasan ng itak ang kanilang mga enforcers upang maipanlaban sa mga kutsilyo at tubo ng mga abusadong drivers.

Minsan na umano niya itong nagawa sa lungsod ng Marikina na naging ma­tagumpay naman umano.

Gayunman, nilinaw ni Velasco na sakaling matuloy ang pag-aarmas ay piling traffic enforcers lamang ang masasaklaw nito bilang bahagi na rin ng public safety mandate ng MMDA.

Kasunod ang naturang pa­nukala ng naganap na pamamaril sa traffic enforcer nilang si Larry Fiala ng moto­ristang si Edward John Gon­zalez nitong Miyerkules ng gabi sa EDSA, San Juan City.

Depensa ni Velasco na hindi­ naman sila nag o-over-react sa nangyari subalit kailangan ding protektahan ang kaligtasan ng kanilang mga traffic enforcer habang tumutupad ang mga ito sa tungkulin.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EDWARD JOHN GON

LARRY FIALA

METROPOLITAN MANILA DEVE

SAN JUAN CITY

SHY

TINA VELASCO

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with