2 suspect sa serye ng motorcycle theft, timbog

MANILA, Philippines - Natimbog na ng awtoridad ang dalawang kalalakihan, kabilang ang isang 16 anyos na binatilyo na sangkot sa serye ng pagtangay ng motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Chief Supt. George Regis, director ng Quezon City Police District, ang mga suspect na sina Edmundo Callueng, at binatilyong itinago sa panga­lang “Barok” na isinalang na sa inquest proceedings sa kasong carnapping.

Modus operandi ng grupo na maghanap ng tricycle na may depektibong makina at kapag nakakita ay saka na tatangayin naman ng binatilyo. At kapag nakuha, saka ilalako ito sa isang may-ari ng tricycle din na may depek­tibong ding makina, bilang kanilang biglaang merkado.

Ayon naman kay Supt. Ferdinand Villanueva, hepe ng District Anti-Carnapping Unit of the QCPD, nakarekober na sila ng anim na unit ng Kawasaki motorcycles kung saan ang mga pangunahing parte nito ay mula sa tricycles na umano’y ni­na­kaw ng mga suspects. 

“Sa interogasyon natin sa mga suspect, inamin nila na ang mga nanakaw nilang motorsiklo ay dinadala nila sa Antipolo city,” sabi pa ni Villanueva.

Pero dahil ang mga ibi­ni­bentang mga piyesa ng mo­torsiklo ay marami, nahihirapan silang subaybayan o hanapin ang ilang piyesa pa nito, ayon naman kay Senior Police Officer 2 Pio Torre­campo, may hawak ng kaso.

Nabatid kay Villanueva na unang naaresto ang binatilyo sa may Antipolo City ganap na alas 4 ng hapon.

Naaresto ang binatil­yo nang maispatang nagmama­neho ng isang motorsiklo na naka-alarma o na sa pulisya matapos tangayin sa Barangay Quirino sa Quezon City.

Ang binatilyo din ang nag­tuga sa kinaroroonan ni Callueng dahilan para ito maaresto sa ginawang follow up ope­ration ng DACU sa Antipolo City. Inamin umano ng binatilyo na mabibigyan siya ng halagang P3,500 sa bawat nakukuha nilang tricycle.

Naniniwala si Villanueva na ang mga kaso ng pagna­nakaw ng mga motorsiklo sa Barangay Batasan, Holy Spi­rit at iba pang parte sa Cubao ay ginawa ng mga suspects

Show comments