^

Metro

Pasyente gagamutin ng libre sa mga ospital sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na patuloy na gagamutin at aasikasuhin ng mga city government hos­pitals ang mga may sakit na walang pambayad bunsod na rin ng mataas na presyo ng gamot at kon­sul­tasyon.

Ang paniniyak ay ginawa ni Lim sa inagurasyon ng bagong gawang Yakal St. sa Tondo, Maynila upang ma­ibsan ang pagbabaha sa mga lugar tuwing umuulan at bumabagyo.

Ayon kay Lim, hindi nila maaaring talikuran ang mga hindi residente ng Maynila na nais na magpagamot lalo na kung emergency cases.

Nakasaad sa report ng Commission on Audit (COA) na tanging mga residente lamang sa Maynila ang dapat na gamutin sa mga city hospitals.

“Paano naman ang ga­gawin natin kung halimbawa emergency case `yung du­ mating sa ospital? We need to­ admit. Puwede ba na pag sinabi nung pasyente na taga-Pasay­ o taga-Quezon City siya, sasabihin sa kanya na bumalik ka na lang dun sa Pasay o Quezon City?”, ani Lim.

Simula ng kanyang panunungkulan noong 1992, naging polisiya ni Lim na gamutin ang lahat ng mga may sakit maging ito ay Manilenyo o hindi.

Kasabay nito, ipinakilala din ni Lim ang mga hepe ng mga director ng city government hospital na kinabibila­ngan nina Dr. Jun Cando ng Ospital ng Tondo, Dr. Teodoro Martin ng Jose Abad Santos Gen. Hospital at Dr. Fidel Chua ng Gat Bonifacio Me­dical Center.

Bukod dito, nilinaw din ni Lim na hindi na kailangan pang magpakita ng kanilang mga voter’s ID, barangay certi­ficate o anumang identification ang isang pasyente. “Ang tangi kong bilin, eksaminin `yung pasyente. Pag may sakit, ga­mutin,” dagdag pa ni Lim.

DR. FIDEL CHUA

DR. JUN CANDO

DR. TEODORO MARTIN

LIM

MAYNILA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with