^

Metro

Petisyon vs 2 testigo ibinasura ng korte

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi maaring magpasiya ang Manila Regional Trial Court sa petisyong nagna­nais na puwersahin ang Department of Justice (DOJ) na idiin din bilang mga akusado ang dalawang state witness ng Maguindanao massacre na kasalukuyang nasa kustodiya ng Witness Protection Program (WPP).

Ito ang nilalaman sa 4- pa­hinang joint order na inisy­u ni Judge Armando Yanga ng Manila RTC Branch 173 kahapon na nagbabasura sa dalawang petisyon ng kampo ni dating  Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Sa dalawang hiwalay na petition for mandamus na inihain ni Ampatuan sa pama­magitan ni Atty. Sigfred Fortun laban kina Justice Secretary Leila de Lima, Department of Justice Witness Protection, Security and Benefits Program director Senior State Prosecutor Leo Dacera III, Chief State Prosecutor Claro Arellano at ang panel of prosecutors na humahawak sa Maguindanao Massacre case sa pangu­nguna ni Asst.  Chief State Prosecutor Peter Medalle, iginiit ni Ampatuan na dapat ay utusan ng korte ang DOJ na isama bilang akusado sina Mohamad Sangki at  Lakmodin Saliao sa multiple murder case sa pagpatay sa may 57 katao noong Nobyembre 23,  2009.

Subalit giit ng mababang korte, wala silang hurisdiksiyon sa usapin.

“Conclusively, the Court has no power or prerogative to intervene with the prose­cution’s control and one of which is to decide who to pro­secute,” bahagi ng joint ruling.

Dinidinig naman ang kaso ng Maguindanao massacre sa sala ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes.

vuukle comment

AMPATUAN

CHIEF STATE PROSECUTOR CLARO ARELLANO

CHIEF STATE PROSECUTOR PETER MEDALLE

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF JUSTICE WITNESS PROTECTION

JUDGE ARMANDO YANGA

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

JUSTICE SECRETARY LEILA

LAKMODIN SALIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with