^

Metro

400 kilo pa ng 'botcha' nasabat

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - May 400 kilo na namang “botcha” o double dead na karne ng baboy ang nakum­piska ng pinagsanib na pu­wersa ng Manila Police District (MPD) at Veterinary Inspection Board (VIB) sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Si Danilo Loque, pedicab driver, ay naaresto habang minamaneho ang kanyang pedicab na may sakay na mga botcha na umano’y kanyang idedeliber sa Divisoria market.

Ayon kay Dr. Hector Dima­culangan, dakong alas-11:30 ng gabi nang mamataan nila ang suspect makaraang makatanggap ang kanilang opisina ng isang tawag mula sa isang “tipster” na may magdadaan ng mga idedeliber na karneng botcha sa kanto ng Dagupan at Recto Sts., sa Tondo.

Itinanggi naman ni Loque na may kinalaman siya sa naturang karne ng botcha dahil napag-utusan lamang umano siya na ihatid ang naturang mga double dead na karne sa pamilihan ng Divisoria.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang ay may nasamsam na 500 kilo ng botcha sa Divisoria.

vuukle comment

AYON

DAGUPAN

DIVISORIA

DR. HECTOR DIMA

ITINANGGI

LOQUE

MANILA POLICE DISTRICT

MATATANDAAN

RECTO STS

SI DANILO LOQUE

VETERINARY INSPECTION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with