Manikurista tinodas habang natutulog

MANILA, Philippines - Patay ang isang 53-an­yos na manikurista makaraang saksakin habang natutulog sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang nasawi na si Salvacion Ses­gundo, may-asawa ng no. 62 Kaliraya St., Brgy. Tatalon sa lungsod.

Natukoy naman ang salarin sa alyas na Lan-Lan at Silania na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

Ayon kay SPO4 Florencio Escobido, nangyari ang insidente sa may basketball court sa Brgy. Tatalon ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Sinasabing natutulog ang biktima sa isang bakanteng lugar nang biglang duma­ ting ang suspect at sinaksak ang una sa dibdib at saka tumakas.

Ayon naman kay Rahmad Alawe, habang tumatakas umano ang suspect ay nabangga pa siya nito at binantaan na papatayin kapag nagsumbong sa pulis.

Nagawa pang maitakbo sa United Doctors Medical Center ang biktima, pero idineklara din itong dead on arrival. Patuloy naman ang follow-up ope­rations ng awto­ridad upang ma­aresto ang na­sabing suspect.

Show comments