Lolo tigok sa sakit
MANILA, Philippines - Posibleng bunga na rin ng katandaan at pagkakaroon ng sakit kaya tuluyan nang namahinga ang isang 70 anyos na lolo na dati umanong taga walis ng kalye nang madiskubre ang bangkay nito sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kilala lamang sa alyas na “Mang Genio” ang biktima na natagpuan sa bangketa na nakasuot ng kulay pulang shorts at asul na t-shirt, dakong alas-3:45 ng madaling-araw, kahapon sa bangketa ng Cardena St.
Sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, may tatlong taon na umanong sa lansangan naglalagi ang matanda na nagsisilbing street sweeper ng Barangay 391, Zone 40, sa Quiapo.Nabatid din na na-stroke pa umano ito noong nakalipas na Pebrero kaya’t hindi na siya pinagwawalis sa kalye at binibigyan na lamang ng makakain ng mga residente sa lugar. Inilagak ang bangkay sa Saint Yvan Funeral Homes para sa safekeeping.
- Latest
- Trending