^

Metro

Dinukot na magkapatid, nabawi

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nabawi ng mga tauhan ng pulisya ang magkapatid na elementary pupil matapos umanong dukutin ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang mga nabawing biktima na sina Rain Ives, 7, at Marineal, 5, kapwa nag-aaral sa Jose Rizal Elementary School, Pasay City. Dakong alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang mag-asawang Marites at Moneal Bush, upang ipabatid na nakatanggap sila ng text message na gustong makipagkita ang dumukot sa kanilang dalawang anak. Kung saan ito ang nakasaad sa text message “Mrs. punta ka na dito sa Vito Cruz LRT at nandito na ang dalawa mong anak”.

Agad namang bumuo ng team si Senior Supt. Napoleon Cuaton upang ma-rescue ang magkapatid na biktima at mahuli ang mga suspek. Dakong alas-9:45 kamakalawa ng gabi nang isagawa ang naturang operasyon sa loob ng isang fastfood sa nabanggit na lugar.

Unang pumasok sa loob ng nasabing fast food chain ang mag-asawang Bush upang makipagkita sa texter na dumukot sa kanilang mga anak. Subalit tanging ang dalawang bata lamang ang kanilang nakita at nakaupo sa isang tabi at umiiyak na walang kasama. Nakatakas naman ang mga salarin at nagsa­sagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban dito. Hindi malinaw kung magkanong ransom ang hinihingi ng mga kumuha sa mga paslit.

vuukle comment

DAKONG

JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

KINILALA

MONEAL BUSH

NAPOLEON CUATON

PASAY CITY

RAIN IVES

SENIOR SUPT

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with