^

Metro

Sindikato sa casino, mino-monitor

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Mahigpit ang monitoring ng Manila City Hall detachment laban sa mga sindikato na nagsasagawa ng operasyon sa mga casino kung saan binibik­tima ang mga dayuhan parti­kular na ang mga Koreano.

Ang aksiyon ay ginawa ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng City Hall detachment at General Assignment Section (GAS) matapos na humingi ng tulong sa kanila ang magulang ng ‘kidnap me’ victim na si Lee Jung Bong, 25, mula sa Korea. Nanghihingi umano si Lee ng $27,000 bilang ‘ransom money’.

Ayon kay Reyes, agad silang nagtungo sa City State Tower Hotel sa Mabini, Maynila hanggang sa maberipika na si Lee ay may utang sa isang Jo Chang Kyu dahil sa paglalaro sa casino. Si Jo ay isa sa mga financier sa casino. Agad na nakipag-usap si Reyes kay Jo kung saan hiningi nito ang pasaporte ni Lee na hawak nito (Jo).

Lumilitaw na hina-harass at tinatakot ni Jo na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ang mga tulad ni Lee upang kumita sa kanilang mga pautang sa mga naglalaro sa casino.

Nabatid na modus-operandi na ng mga financier sa casino ang ginawa kay Lee. Kasabay nito, umapela rin si Reyes sa mga dayuhan na umiwas sa mga sindikato dahil ang imahe ng Pilipinas ang nalalagay sa kritisismo.

Tumanggi naman sina Lee at Jo na magsampa ng kani-kanilang mga kaso.

vuukle comment

CHIEF INSP

CITY HALL

CITY STATE TOWER HOTEL

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JO CHANG KYU

LEE

LEE JUNG BONG

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with