^

Metro

300 pasahero, tripulante binulabog ng 'bomba' sa barko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon sa may 300 pasahero at tripulante ng isang passenger/cargo ship ang bomb threat na kanilang natanggap na itinanim umano sa loob ng M/V Apil Rose kamakalawa ng hapon, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa naantalang ulat ng PCG, sinabi ni Lt. Commander Algier Ricafrente, isang empleyado ng Atienza Shipping Lines, na di nagpabanggit ng pangalan ang nakatanggap ng tawag sa isang di nagpakilalang caller dakong alas-10:50 umaga.

Agad naman inalarma ang Coast Guard National Capital Region na nagsagawa ng pagbusisi sa loob ng barko, kabilang ang K-9 at Explosive Ordnance Division.

Naging dahilan ito para atasan ang mga pasahero na lisanin ang barko subalit agad ring idineklarang clear sa bomba.

Hindi nagtagal ay pinayagan nang maglayag ang barko patungong Coron, Palawan. 

vuukle comment

ATIENZA SHIPPING LINES

COAST GUARD NATIONAL CAPITAL REGION

COMMANDER ALGIER RICAFRENTE

CORON

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

NAGDULOT

PALAWAN

PHILIPPINE COAST GUARD

V APIL ROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with