^

Metro

Water level sa La Mesa Dam, bumaba na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bumaba na ang water level sa La Mesa dam sa Quezon City.

Ito ayon kay Roy Bandilla ng Hydro Meteorology Department ng PagAsa ay dahil nagsusuplay ito ng tubig sa mga residente ng Metro Manila.

Ganap na alas- 11 kahapon ng umaga, nasa 80.10 meters na lamang ang water level sa naturang dam, bahagyang lumayo sa 80.15 meters na overflow level kahit pa may mga pag-uulan. 

Kung sakali man at patuloy anya ang pagbuhos ng ulan at mag-overflow ang tubig sa La Mesa dam ito ay kakalat sa Tullahan River sa Fairview at tutuloy ng Valenzuela, Malabon at Navotas.

Kaugnay nito, sinabi ni Bandilla na tuloy pa rin hanggang ngayon ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao dam sa Benguet dahil nasa 751. 09 meters na ito ngayon at malapit nang umabot sa spilling level na 752 meters above sea level.

Maging ang Binga dam aniya sa Benguet ay malapit na ring umabot sa spilling level na 575 meters above sea level.

Ayon kay Bandilla, nasa 568.75 meters ito ngayon at posibleng tumaas pa kapag bumuhos ang malakas na ulan.

BANDILLA

BENGUET

HYDRO METEOROLOGY DEPARTMENT

LA MESA

LEVEL

METRO MANILA

QUEZON CITY

ROY BANDILLA

TULLAHAN RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with