^

Metro

P40-M halaga ng produkto at ari-arian, tupok sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P40 mil­yong halaga ng mga produkto at ari-arian ang natupok makaraang lamunin ng apoy ang apat na magkakadikit na bo­dega, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasay, dakong alas-2:56 ng madaling-araw nang unang sumiklab ang apoy sa isang bodega ng tela sa may Armstrong Road, Mer­ville Access Road.

Agad na kumalat ang apoy nang mahagip ang mga telang nakaimbak na mabilis na natupok.

Agad na itinaas ng Pasay City Fire Department ang Task Force Alpha nang mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bodega na may mga nakaimbak namang mga kemikal kung saan rumesponde na rin ang ibang mga bumbero buhat sa mga karatig-lungsod.

Nabatid na nahirapan naman ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa isang trak lamang ang maaaring magkasya sa napaka­kitid na daan patungo sa na­­turang mga bo­dega habang hindi naman uma­bot ang haba ng hose ng ibang rumes­pondeng trak ng bumbero.

Lumakas din nang husto ang apoy dahil sa mistulang ginagatungan ito ng malakas na hangin.

Dakong alas-8:49 na ng umaga nang ideklara ng BFP na “under control” ang apoy kung saan wala namang naiulat na nasawi at nasaktan sa insidente.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, maaaring nag­­bu­hat ang apoy sa pag-short circuit ng sala-­salabid na kawad ng kur­yente sa na­tu­rang bo­dega.  

ACCESS ROAD

APOY

ARMSTRONG ROAD

BUREAU OF FIRE PROTECTION-PASAY

DAKONG

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

SHY

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with