^

Metro

'Tulak' sa iskul, tiklo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang ‘tulak’ na nagsu-supply ng droga sa mga estudyante sa ilang paaralan sa Metro Manila ang dinakip kahapon sa Malabon City.

Ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Malabon City Police ay nakilalang si Jessie Boy Tolentino, 20, ng Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-4 ng umaga nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Manapat St., Brgy. Tañong malapit sa sinusuplayan nitong dalawang paaralan na hindi na binanggit ang pangalan.

Nabatid na kasalukuyang nag-iikot ang mga barangay tanod sa naturang lugar nang mapansin ng mga ito ang suspek na abala sa pag-aayos ng kanyang mga ititindang pinatuyong dahon ng marijuana.

Agad itong nilapitan ng mga barangay tanod at nang mapaikutan ito ay hindi na nagawang makatakas pa at nang kapkapan ay nakuha pa sa isang coin purse ang sampu pang plastic sachet na naglalaman ng marijuana bukod pa sa hawak-hawak nito.

Napag-alaman pa sa pulisya na ang suspek ay kilalang nagsusuplay ng droga tulad ng marijuana sa ilang paaralan

vuukle comment

AYON

BRGY

ISANG

JESSIE BOY TOLENTINO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MANAPAT ST.

METRO MANILA

NABATID

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with