^

Metro

Administrative case vs City Hall employee na nanggahasa inutos ni Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inutos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa isang empleyado ng Manila City Hall na inakusahang nanggahasa sa pamangkin ng kanyang live-in partner.

Bukod sa nasabing kaso, pinapatawan din ng pre­ventive suspension si Boyet Valencia nakatalaga sa parks and re­creations bureau at residente ng #2107 Fernandez II St., Tondo, Manila habang iniimbestigahan.

Ang desisyon ni Lim ay bunsod na rin ng rekomendasyon ni department of social welfare head Jay dela Fuente, kung saan maliban sa kasong kriminal, dapat ding masampahan ng kasong administratibo ang suspect matapos ang ginawa nitong pagsasamantala sa 11-anyos na bata na pamangkin ng kanyang live-in partner.

Ayon kay Dela Fuente, batay sa testimonya ng biktima, isang taon na umano siya ginagahasa ng suspect kung saan huling nangyari ang panggahasa noong Agosto 19.

Pinatotohanan naman ito ng medical examination.

Dahil dito, nakipag-ugnayan si Dela Fuente kay Chief Inspector Armando Macaraeg, MPD-homicide section, kasama sina Sr. Insp. Renato Solis, SPO4 Elmer Manalang, PO3 Raul Rubin Bautista at SPO4 Emmanuel Lopez, na umaresto sa suspect.

Positibo namang itinuro ng biktima ang suspect na ngayon ay nakakulong.

vuukle comment

BOYET VALENCIA

CHIEF INSPECTOR ARMANDO MACARAEG

DELA FUENTE

ELMER MANALANG

EMMANUEL LOPEZ

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

RAUL RUBIN BAUTISTA

RENATO SOLIS

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with