MMDA memo pinalagan

MANILA, Philippines - Sisibakin sa serbisyo ang sinumang kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbibigay ng assistance o mag-facilitate sa kanilang kaibigan, kaanak at mga mamamahayag ka­ugnay sa paglabag sa batas trapiko.

Sa memorandum na ipi­nalabas ni MMDA Chairman Francis Tolentino, ipinagbabawal nito sa mga kawani ng MMDA na mag-assist o tumulong para sa taong nais humingi ng tulong matapos madakma sa paglabag sa batas trapiko.

Hindi rin nakaligtas ang mga miyembro ng media, dahil kahit reporter ang humihingi ng tulong sa mga kawani ng MMDA para asistahan sila sa pag-proseso ng pagtubos ng lisensiya ay ipinagbabawal na rin.

Ang sinumang MMDA employee na lumabag sa naturang memorandum, suspension at pagkasibak sa serbisyo ang ipapataw na parusa.

Layunin aniya ng me­morandum ni Tolentino ay upang maiwasang masangkot ang mga kawani na maging fixer.

Umani naman ng batikos at tinutulan ng ilang kawani ng MMDA ang na­­ging memorandum ni To­lentino na sinasabing walang humanitarian rea­son at mala-Hitler na ka­utusan.

Show comments