Retiradong piloto hinoldap

MANILA, Philippines - Isa na namang holdapan ang naganap sa Pasay City kung saan naging biktima ang isang retiradong piloto na American national kahapon ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bruce Leslie Mayers, 61, pansamantalang  naninirahan sa Block 1 VHT Arcade, F. Cabahug St., Mabolo, Cebu. Nadakma at nakakulong naman ang suspek na si  Edgar Nolasco, 26, ng F.B. Harrison, Pasay City.

Lumilitaw na nakatayo ang biktima sa panulukan ng Cuneta Avenue at F.B. Harrison nang lapitan at holdapin ng suspek gamit ang baril-barilan. Kaagad namang humingi ng saklolo ang biktima sa ilang traffic enforcer kaya nadakma ang suspek.

Nabawi naman ang P50,000 cash na tinangay ng suspek at maging ang toy gun na ginamit sa panghoholdap.

Show comments