Suspek sa murder sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa isang barangay tanod kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Pormal namang kinasuhan ang suspek na si Abelardo “Barok” Marcelo. Samantala, kinilala naman ang napatay na si Reynaldo Ocampo, 32, ng Brgy. 61, Zone 6 ng nabanggit na lungsod. Sa tala ng pulisya, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima noong Miyerkules ng madaling-araw (Agosto 17), sa kahabaan ng F. Victor Street. Nabatid na ang biktima ay sumuko dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonio Calixto at kaagad na inilipat ang suspek sa Pasay City PNP Station. Subalit ayon naman sa hepe ng pulisya na si P/Senior Supt. Napoleon Cuaton, hindi maaaring ikulong ang suspek dahil nakasampa na ang kasong murder sa piskalya at kailangan muna ang warrant of arrest.

Show comments