318 opisyal ng PNP sasailalim sa PESE
MANILA, Philippines - Aabot sa 318 opisyal ng Philippine National Police ang sasailalim sa pagsusulit ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa buong bansa ngayong araw.
Ang pagsusulit na Police Executive Service Eligibility (PESE) ay para sa opisyal ng pulisya na may ranggong colonel kung saan inoobligang kumuha nito upang tumaas ang ranggo bilang senior superintendent (full pledge colonel) at maging heneral.
Idaraos ang pagsusulit sa mga strategic testing center sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kabilang sa mga testing center ng pagsusulit ay ang Camp Crame, Quezon City na pinaniniwalaang aabot sa 299 opisyal ng PNP ang kukuha habang sa University of Cebu, Banilad City ay 39 naman ang sasailalim sa pagsusulit at ang mga taga Mindanao naman ay sa Davao Doctors College sa Malvar Street, Davao City na nasa 50 pulis.
Ayon sa NAPOLCOM, ang pagsusulit ay nakasentro sa executive emotional quotient inventory, leadership competency assessment, moral development, job knowledge, communication skills assessment at ang creative development management.
Nabatid kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Eduardo U. Escueta,may dalawang uri ng pagsusulit, ang written examination at panel interview kung saan naka-dress code (barong) ang mga sasailalim sa pagsusulit.
- Latest
- Trending